^

Probinsiya

Drug trafficker tiklo sa P6.8 milyong droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad kasunod nang pagkakaaresto sa isang pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker sa isinagawang buy-bust operation sa Bacong, Negros Oriental nitong Miyerkules.

Sa report ng Negros Oriental Police Provincial Police Office, kinilala ang nasakoteng suspect na si Antonio Millomida Torres, 42-anyos, ng Brgu. Tabuc-tubig, Dumaguete City.

Ayon sa pulisya si Torres ay nakatala bilang High Value Targets (HVT) na nasakote sa ope­rasyon sa Brgy. Sulodpan, Bacong ng lalawigang ito noong Miyerkules ng hapon.

Bago ito ay nakipag-deal ang suspect sa undercover agent ng pulisya na bibili ng droga kaya agad na ikinasa ang buy-bust operation.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos itong mapalibutan ng arresting team na agad itong pinosasan.

Nakumpiska mula sa suspect ang mga transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na iba-iba ang sukat, cellphone at perang hinihinalang pinagbentahan nito sa droga gayundin ang motorsiklong gamit nito sa kanilang illegal na aktibidades.

NEGROS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with