Nawasak na flood control projects ng DPWH sa Oriental Mindoro nadagdagan pa

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang nawasak o bumigay na mga flood control projects na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA Regional Office sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahilan sa umano’y mahinang uri ng ginamit na materyales.
Sa Brgy. Bigaan, San Teodoro, Oriental Mindoro, bumigay na ang river dike sa Subaan River na mahigit 100-metro ang istraktura kung saan ay nangangamba ang mga residente na dumanas na naman sila ng grabeng pagbaha sa panahon ng bagyo at habagat.
Base sa report nasa kabuuang 600-metro ng dike ang nawasak na sumasakop sa Phase 1, Phase 2 at Phase 3 ng proyekto. Noong Hulyo 23, 2025 ay bumigay na ang proyekto matapos ang pag-apaw ng ilog at malakas na agos mula dito dulot ng southwest monsoon o habagat.
Una na ring nagpahayag ng pagkadismaya si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa pagbigay ng siyam na bagong tayong road dikes sa ilalim ng flood control project ng DPWH sa iba’t-ibang lugar sa kanilang lalawigan sa kasagsagan ng southwest monsoon noong Hulyo 23, 2025 na binisita ng opisyal nito noong nakalipas na linggo.
- Latest

















