56 katao nasunugan ng bahay sa Lucena
MANILA, Philippines — Isang katao ang nasugatan habang 56 pang indibidwal na miyembro ng mga pamilya ang naabo ang tahanan sa naganap na sunog sa Purok Bagong Paraiso, Brgy. 4, Lucena City, Quezon noong Martes ng hapon.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog ay nagsimula dakong alas-3:00 ng hapon na umabot ng ikalawang alarma.
Ang sunog ay mabilis na kumalat na tumupok sa sampung kabahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.
Mabilis namang nagresponde ang mga bumbero na idineklarang kontrolado na ang sunog ganap na alas-4:40 ng hapon.
Ayon sa BFP, nasugatan ang isa katao sa kasagsagan ng sunog na mabilis namang nilapatan ng medikasyon.
Tinataya namang aabot sa P1.2 milyong halaga ang iniwang pinsala sa nangyaring sunog. Pansamantala namang kinakanlong sa evacuation center ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
- Latest






















