^

Probinsiya

Drug den sa Subic ni-raid, 6 timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Drug den sa Subic ni-raid, 6 timbog
Batay sa report, ang mga naaresto ay sina alyas “Bisoy”, 34, umano’y operator ng drug den sa nasabing barangay; alyas “Win-Win”, 43; alyas “Jep”, 30; alyas “Pepe”, 45; alyas “Alden”, 26 at alyas “Ambet”, 35.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Subic­ Police Station ang isang drug den kung saan anim katao ang dinakip­ kabilang ang isang kilalang “target-list” sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

Batay sa report, ang mga naaresto ay sina alyas “Bisoy”, 34, umano’y operator ng drug den sa nasabing barangay; alyas “Win-Win”, 43; alyas “Jep”, 30; alyas “Pepe”, 45; alyas “Alden”, 26 at alyas “Ambet”, 35.

Ikinasa ang operasyon bandang alas-8 ng gabi nitong Linggo sa naturang barangay makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal drug operation umano ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at ang ginamit na marked money sa operasyon.

Nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli. Patuloy naman ang pinaigting na operasyon kontra ilegal na droga upang masigurong ligtas at payapa ang komunidad ng Subic.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with