^

Probinsiya

3 terorista todas sa Lanao encounter!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 terorista todas sa Lanao encounter!
Ang tatlong miyembro ng Dawla Islamiyah terrorist group matapos masukol nang maki pagengkuwentro sa tropa ng gobyerno na ikinasawi rin ng tatlo nilang kasamahan sa Lumbayanague, Lanao del Sur nitong Sabado.
John Unson

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiya, isa sa kanila ay babae, ang napatay ng mga sundalo at mga pulis nang nauwi sa madugong engkuwentro ang paghahain ng warrant of arrests para sa mga high profile cases na kanilang kinakaharap sa mga korte, sa Lumbayanague, Lanao del Sur nitong Sabado ng madaling araw

Kinumpirma nitong Linggo ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Philippine Army, at ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkasawi ng tatlong Dawlah Islamiya members sa insidente na naganap sa Barangay Lamin ng nasabing
bayan.

Ayon sa mga municipal officials at mga traditional Maranao leaders, ang mga napatay ng DI na sina Mohammad Nasif Pangandama, Abdullah Kadil Mituon at ang babaeng si Rahma Mindo Salik, kilala rin sa alyas “Nahara”, ay mga wanted sa iba’t ibang kasong criminal na nakabinbin sa iba’t ibang korte sa Iligan City sa Region 10, Lanao del Sur at Marawi City sa Bangsamoro region.

Tatlo pang umano’y terorista na kinilalang sina Fahad Sarip Maruhom, Norhan Otik Kamid at Asnawi Kadir Abdullah, ang nagtangkang tumakas nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang kanilang mga kasama ngunit nasukol din sila at naaresto ng mga sundalo at pulis na kanilang nakasagupa.

Narekober ng awtoridad sa encounter site ang dalawang M16 A1 rifle, isang M79 grenade launcher, isang pistol, dalawang granada, RPG ammunition at mga bala.

Nakapiit na sa isang police detention facility ang tatlong mga naares­tong Dawlah Islamiya members.

DAWLAH ISLAMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with