^

Probinsiya

4 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
4 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo
Nagkalasug-lasog ang katawan at agarang nasawi ang mga riders na kinilala lamang sa pangalang “Mandy”, 35-anyos, ng Tabaco City; “Celso”, 29-anyos at mga angkas nito na sina Minggoy, 33-anyos at Dalton, 43-anyos, pawang residente ng Brgy. Teresa ng naturang bayan.
STAR/File

MALILIPOT, Albay, Philippines — Apat katao ang nasawi matapos magbanggaan ang kanilang sinasak­yang mga motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Brgy. San Isidro, Malilipot, Albay kamakalawa ng gabi.

Nagkalasug-lasog ang katawan at agarang nasawi ang mga riders na kinilala lamang sa pangalang “Mandy”, 35-anyos, ng Tabaco City; “Celso”, 29-anyos at mga angkas nito na sina Minggoy, 33-anyos at Dalton, 43-anyos, pawang residente ng Brgy. Teresa ng naturang bayan.

Sa ulat, magkasalubong at kapwa mabilis na binabagtas ng motorsiklo nina Mandy at Celso na angkas sina Minggoy at Dalton ang kahabaan ng highway. Gayunman, pagdating sa lugar ay malakas na nagbanggaan ang kanilang mga motorsiklo dahilan para tumilapon lahat ng biktima at malakas na humampas sa sementadong kalsada sanhi ng pagkamatay ng apat katao na umano’y mga nakainom at walang suot na helmet nang maganap ang insidente.

vuukle comment

ALBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with