^

Probinsiya

Purok lider umawat sa nag-aamok na pinsan, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang purok lider matapos saksakin sa dibdib na tuma­gos sa kanyang puso ng sariling pinsan na inawat nito sa pag-aamok dahil sa kalasingan, kama­kalawa ng gabi sa Sitio Kamandag 1 Brgy. Bagong Nayon, Antipolo, Rizal 

Dead-on-arrival na sa pagamutan ang biktimang kinilala sa alyas Freddie, nasa hustong gulang, purok leader ng Sitio Kamandag 1 ng nasabing barangay.

Arestado naman ang suspek na kinilala sa alyas “Alex”, nasa hustong gulang, pinsan ng biktima at residente rin ng nasabing  lugar .

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang la­sing umano ang suspek na nagwawala at armado ng patalim sa kanilang lugar.

Bilang purok lider, rumesponde ang biktima at tinangka nitong payapain ang pinsan na armado ng patalim. Imbes namang makinig, agad sinugod ng saksak sa dibdib ang kanyang pinsang purok leader.

Naitakbo pa  Antipolo District Hospital ang biktima subalit idineklara nang patay ng manggagamot habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen subalit agad rin siyang naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with