^

Probinsiya

2 pulis, tukoy na sa pagdukot sa 3 katao

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Natukoy na ng nilikhang Special Investigation Task Group on Missing Persons (SITGMP) ang dalawa sa walong intelligence police officers na umano’y may kinalaman sa pagdukot sa isang resort caretaker sa Los Baños City noong Marso 26 at sa dalawang tao pa sa Barangay Pa­rian, Calamba City, noong Enero 11.

Kinilala lamang ng task group ang mga pulis na sinasabing responsable sa pagkawala ng tatlo katao, na sina alyas “Burda” at “Naredo”, kapwa nakatalaga sa Intelligence Division ng Calamba Police Station habang ang anim nilang kasamahan ay hindi pa natutukoy.

Samantala, ang mga kaanak ng isa sa tatlong nawawalang biktima ay iniulat na kinilala naman ang anim na pulis sa pamamagitan ng Facebook account ng mga pulis.

Sina Burda at Naredo kasama ang anim na iba pang kapwa police officers ay kinokonsiderang mga “persons of interest” sa umano’y dalawang insidente ng pagdukot sa Laguna.

Sa masusing imbestigasyon ng SITG at Los Baños Police, nalaman nilang ang tatlong POI sa abduction ay mga pulis base sa salaysay ng saksi at nakuhang video footage ng close-circuit television camera (CCTV) na naka-install malapit sa insidente ng pagdukot sa Los Baños City.

Ayon sa Los Baños Police, isang Erwin Magbanua ang nag-ulat sa pagkawala ng kanyang bunsong kapatid na si Randy, 54, resort caretaker, noong Marso 26, 2024 at huling nakita sa national road ng Brgy. Lalakay, Los Baños City, Laguna.

Sa imbestigasyon, nasa walong tao ang umano’y dumukot kay Magbanua sakay ng itim na Toyota Wigo at motorsiklo, saka tumakas ang grupo patungo sa direksyon ng Calamba City.

Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Cala­barzon police director, sinibak na sa puwesto ang lahat ng intel officers ng Calamba Police na  sangkot sa pagdukot. Sila ay inilagay sa ilalim ng Provincial Headquarters Administrative Holding Center habang nakabinbin ang komprehensibong imbestigasyon.

Samantala, tinitingnan na rin ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagkakasangkot ng mga pulis sa kaparehong insidente ng mga nawawalang tao sa Brgy. Parian, Calamba City, noong Enero 11, 2024 matapos na matagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki na nakasemento sa magkahiwalay na drum habang palutang-lutang sa ilog sa Lobo, Camariñes Norte noong Abril 2.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with