^

Probinsiya

Backhoe operator nadaganan ng bato sa quarry site, dedo

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines —  Masaklap ang sinapit ng isang backhoe operator makaraang magulungan at madaganan ng malaking tipak ng bato sanhi ng kanyang agarang kamatayan sa isang quarry site sa Sitio Mahabang Parang, Brgy. Toong Tuy, Batangas.

Kinilala ni Major Roy Clevas ang biktima na si Bebon Caliso, 34-anyos, at residente ng Bantayan Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng backhoe habang nananghalian ang biktima sa naturang lugar nang biglang gumulong ang malaking tipak ng bato mula sa itaas ng quarry site at natumbok ang backhoe.

Idinagdag pa ni Major Clevas na inakyat nila ang pinakatuktok ng bundok kung saan matatagpuan ang quarry site subalit wala naman silang nakitang equipment o mga tao roon.

Patuloy aniya nilang iimbestigahan ang natu­rang insidente kung nagkaroon ng pagkukulang sa “safety measures” ang nagmamay ari ng quar­rying at kung may kaukulan itong dokumento.

vuukle comment

CALISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with