^

Probinsiya

Barangay chairman nabagsakan ng puno, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman nabagsakan ng puno, patay!
Sa ulat ng Midsalip Municipal Police Station nitong Sabado, mismong sa ulo ni Barangay Ecuan Chairman Jessie Seno Sandima tumama ang punongkahoy, habang nakaangkas sa motorsiklo ng isang ka-barangay na si Engineer Dome Capangpangan.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang barangay chairman matapos na mabagsakan ng punongkahoy habang lulan ng kanyang motorsiklo sa bayan ng Midsalip sa Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng umaga. 

 Sa ulat ng Midsalip Municipal Police Station nitong Sabado, mismong sa ulo ni Barangay Ecuan Chairman Jessie Seno Sandima tumama ang punongkahoy, habang nakaangkas sa motorsiklo ng isang ka-barangay na si Engineer Dome Capangpangan.

 Naganap ang aksidente habang binabaybay ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang highway sa Purok 3, Canipay Norte sa Midsalip.

 Inaalam na ng mga barangay officials sa Canipay Norte kung dapat na managot sa insidente ang may-ari ng lupa kung saan nakatirik ang matagal nang patay na puno na malinaw na pinabayaan na dapat sana ay tuluyan nang iti­numba upang naiwasan sana ang disgrasya.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with