^

Probinsiya

Tumangging bumili ng alak.. 8-anyos binugbog ng ama saka ibinalibag, na-coma!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Agaw-buhay sa pagamutan ang 8-taong gulang na batang lalaki matapos gulpihin ng sariling amang lasing matapos tumangging bumili ng alak sa tindahan sa Barangay Fatima sa General Santos City nitong Martes.

Nakakulong na isang detention facility ng Gene­ral Santos City Police Office ang suspect na si Roy Canlaon, 34-anyos, na nagpahayag ng labis na pagsisisi sa kanyang ginawa sa kanyang sariling anak nang makapanayam ng mga reporters nitong Miyerkules ng umaga.

Nabatid na matapos na mag-inom ng alak at malasing si Canlaon nitong Martes ay inutusan ang anak na bumili pa ng alak.

Gayunman, dahil sa lasing na ang ama at ma­ging ang mga kapitbahay na kainuman nito, tumanggi ang bata na bumili pa ng alak sa tindahan.

Dito na nagalit ang suspek at walang awang pinaggugulpi ang anak sa loob ng kanilang mismong bakuran sa Purok Tem­plado sa Brgy.Fatima, General Santos City.

Sinabi ng ilang saksi sa mga imbestigador ng Fatima Police Station na sakop ng General Santos CPO, sinampal at paulit-ulit na binatukan ni Canlaon ang anak bago binuhat at ibinalibag sa lupa kaya nawalan ng malay ang bata at ngayon ay nakaratay at naghihingalo sa isang pagamutan.

Ang biktima ay na-comatose umano dahil sa panggugulpi ng ama at humihinga sa pamamagitan ng life support device sa ospital.

Inaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang malupit na ama na nahaharap sa kasong criminal.

vuukle comment

GENERAL SANTOS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with