^

Probinsiya

P24 milyong shabu samsam sa Cavite, 4 big-time drug peddlers timbog

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
P24 milyong shabu samsam sa Cavite, 4 big-time drug peddlers timbog
Arestado ang mga suspek na sina Montaha Ca­dingilan Abbas, 43-anyos, misis nitong si Norhata, 39 anyos; Datu Mudsol Bandong, 37, at misis niyang si Elsie, 37- anyos, pawang mga taga-Dalapang, Brgy. Labangan, Paga­dian City, Zamboanga del Sur.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Nasa P24-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa apat na hinihinalang big-time drug peddlers sa inilatag na malakihang drug operation kamaka­lawa ng gabi sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Molino 4, Bacoor City.

Arestado ang mga suspek na sina Montaha Ca­dingilan Abbas, 43-anyos, misis nitong si Norhata, 39 anyos; Datu Mudsol Bandong, 37, at misis niyang si Elsie, 37- anyos, pawang mga taga-Dalapang, Brgy. Labangan, Paga­dian City, Zamboanga del Sur.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director Col. Eleuterio Ricardo Jr, nagkasa ng joint operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NCR, Northern District Office,  PDEA Regional Office 4A, Cavite PPO, at Station Drug Enforcement unit ng Bacoor City Police dakong alas-7:20 ng gabi laban sa mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance sa kanilang ilegal na aktibidad.

Isang poseur buyer ang nakipag-transact sa mga suspek at naganap ang drug deal sa Blk. 4 Lot 19B, Springville South Ph. 2, Brgy. Molino 4, Bacoor kung saan nangungupahan ang mga suspek.

Lumalabas na uma­abot pa lang ng halos tatlong buwan ang da­lawang mag-asawang suspek na nakatira sa inuupahang apartment  at inaantay ang tawag mula sa kanilang drug supplier bago sila naaresto.

Narekober sa mga suspek ang buy-bust item na 500 gramo ng shabu, isang itim na Megabox kung saan nakalagay ang may 3,000 gramo pang shabu, mga bundle ng boodle money, iba’t ibang IDs, apat na cellular phone at isang notebook kung saan nakasulat ang kanilang mga drug tran­sactions.

Aabot lahat sa may  3,500 gramo o 3.5 kilo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na tinatayang nasa halos P24 milyong halaga.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with