^

Probinsiya

18K puwersa idedeploy sa Bicol region

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
18K puwersa idedeploy sa Bicol region
Police officers gather at the Manila Police District headquarters in UN Avenue, Manila during the flag raising and awarding ceremony.
The STAR / Russell Palma

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot sa 18, 773 na puwersa ng mga pulis, sundalo, coast guard at bureau of fire protection ang inilatag ng Commission on Elections-Regional Office 5 sa pangungu­na ni regional director Atty. Maria Juana Va­leza sa buong Kabikulan upang bigyang seguridad ang halalan sa barangay at sangguniang kabataan sa Lunes.

Sa final security briefing na ginawa ng regional joint security control center na pinangunahan ni Atty. Valeza kamakalawa, tinukoy ang 10-libong pulis mula sa Police Regional Office 5 ang ipakakalat sa mismong halalan. Mula sa naturang bilang, 989 pulis ang sumailalim pa sa “mandatory and in-ser­vice training” para magbigay ng seguridad sa mismong halalan malapit sa mga voting centers.

Aabot naman sa 5-libong sundalo mula sa 9th Infantry Division ng Philippine Army ang itinalaga ng commanding officer nito na si Major General Adonis Bajao sa komisyon upang tumulong din para sa kaayusan, tahimik at malinis na eleksyon.

Nasa 550-bilang naman ng Philiipine Coast Guard-Bicol at 2,234 mula sa Bureau of Fire Protection Regional Office 5.

Pinakamaraming seguridad ang itinalaga sa mga kinokonsi­de­rang election areas of concern sa Kabiku­lan na aabot sa bilang na 397 lugar. Nasa 21 dito ay mga barangay na isinailalim sa red category, 299 bilang nasa orange category, 75 sa yellow habang 3,074 ang nasa green category.

Karamihan sa mga barangay na inilagay sa red category ay nasa Masbate at Albay kung saan pinakamarami ay ang buong bayan ng Libon na isinailalim mis­mo ng komisyon sa Comelec full control dahil sa presensya ng criminal gang, komunistang New Peoples Army (NPA) at dahil sa nakaraang mga karahasan at pamamaslang sa ilang residente at kumakandidatong kapitan at kagawad.

COMMISSION ON ELECTIONS-REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with