Government employee, timbog sa buy-bust
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang empleyado ng gobyerno ang dinakip ng mga awtoridad matapos ang isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Bonfal Proper ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Maj. Frederick Ferrer, hepe ng Bayombong Police ang nadakip na suspek na si Frederick John Castillo, 44, residente ng Barangay Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Ferrer, ang suspek ay nadakip matapos kumagat sa isang drug buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Bayombong Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dakong alas-2:39 ng hapon.
Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang anim na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug buy-bust money, mga drug paraphernalia at iba pang kagamitan.
Nasa pangangalaga ngayon ng Bayombong Police ang nadakip na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest