^

Probinsiya

Binata umuwing lasing, kinatay ni tatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Binata umuwing lasing, kinatay ni tatay
Isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktima na kinilalang si Richard Nuñez Mirandilla, residente ng naturang lugar.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 25-anyos na binata nang saksakin ng kanyang mismong tatay makaraang umuwing lasing sa kanilang bahay sa Purok-4, Brgy. Mabini ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktima na kinilalang si Richard Nuñez Mirandilla, residente ng naturang lugar.

Kasong parricide naman ang kinakaharap ng sumukong tatay na suspek na si Jesus Mirandilla, 63-anyos.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi matapos makipag-inuman ay umuwing lasing ang biktima dahilan para magtalo silang mag-ama.

Sa init ng kanilang bangayan, kumuha ng itak ang ama at sinaksak ang anak na duguang humandusay.

Mabilis na isinugod ang biktima ng mga kaanak sa Daraga Doc­tors Hospital pero ka­launa’y nalagutan ng hininga.

vuukle comment

MIRANDILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with