^

Probinsiya

Ginagawang tulay sa Davao bumigay: 2 tepok, 2 sugatan

Diana Lhyd Suelto - Pilipino Star Ngayon
Ginagawang tulay sa Davao bumigay: 2 tepok, 2 sugatan
The medical worker died on the spot when gunmen attacked him while on a motorcycle.
File photo

MANILA, Philippines — Dalawang manggagawa ang patay habang dalawa ang sugatan at tatlo pa ang hinahanap matapos gumuho ang tulay habang ginagawa sa Sitio Kibakak, Brgy. Malamba, Marilog District, Davao City nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa report ni PMaj Nelson Violan ng Marilog Police Station, dakong alas-3:30 ng hapon nitong Lunes, 10 manggagawa mula sa Bojus Sun Builders & Supply Corporation ang nagsimulang maglagay ng mga side panel ng itinatayong tulay gamit ang isang boom truck na inihimpil sa may gitna ng tulay.

Gayunman, bandang alas-4:45 ng hapon ay biglang nag-collapse ang kino-contruct na tulay at bumagsak ng may 60-talampakan pababa sa ilog at napasamang nahulog ang pitong trabahador.

Bunsod nito, dalawa sa kanila ang idineklarang patay na kinilalang sina Jay Bangonan, 22-anyos, mason at Rolando Abing, 40, may-asawa, obrero, habang dalawa ang sugatan at ginagamot na sa Kibalang Hospital na sina Meljay Bero, 29, ng Monkayo at Jonathan Dispo, 38, may-asawa, mason at residente ng Catalunan Grande; pawang sa Davao City.

Habang sinusulat ang ulat na ito, patuloy ang retrieval operation ng mga awtoridad at rescuers sa tatlo pang natitirang obrero na na-trap sa bumagsak na tulay na nakilalang sina Cris Napao, 44, may-asawa, mason, ng Balusong, Matina, Davao City; Jimboy Liga, 28, binata, boom truck operator, residente ng Pagan Grande, Davao City; at Elmer Sayson, 44, may-asawa, foreman ng Banay-Banay, Davao Oriental.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with