^

Probinsiya

Guro grinanada sa loob ng bahay, utas

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Guro grinanada sa loob ng bahay, utas
Ayon sa inisyal na pahayag ng Pikit Municipal Police Station, isang lalaki ang nakitang naghagis, ng granada sa bukas na bintana ng bahay ni Cabañog sa Barangay Ginatilan at nang sumambulat ay agad na tumakas ang suspect.
Image by D Alyansyah from Pixabay

MANILA, Philippines — Agad na namatay sanhi ng mga sugat sa katawan ang isang guro nang sumabog ang isang granada na inihagis sa kanyang tahanan sa Barangay Ginatilan sa Pikit, Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marichu Cabañog,guro sa pampublikong paaralan sa bayan ng Pikit.

Ayon sa inisyal na pahayag ng Pikit Municipal Police Station, isang lalaki ang nakitang naghagis, ng granada sa bukas na bintana ng bahay ni Cabañog sa Barangay Ginatilan at nang sumambulat ay agad na tumakas ang suspect.

Ang insidente ay naganap kasunod ng pagkakapatay sa isang ambush ng isa ring guro ng pampublikong paaralan sa Pikit na si Joel Reformado, sa Barangay Manaulanan sa naturang bayan na kung saan ang kasama nitong guro na si Elton John Lapined ang nasugatan.

vuukle comment

GRANADA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with