^

Probinsiya

Sarangani encounter: 3 NPA, sundalo sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Camp Siongco, Maguindanao del Norte, Philippines — Tatlong kasapi ng New People’s Army at isang opisyal ng 38th Infantry Battalion ang sugatan sa engkuwentro noong Sabado sa Kiamba, Sarangani.

Nagpapatrolya ang mga tropa ng 38th IB sa isang sitio sa Brgy. Gasi sa Kiamba nang pagbabarilin ng mga rebelde na nakapuwesto sa isang mataas na lugar kaya nagkapalitan ng putok na tumagal ng halos 30 minuto.

Isang Army official na hindi pa pinangalanan ang sugatan sa insidente na nilalapatan ngayon ng lunas sa isang ospital, ayon kay Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division.

Tatlong miyembro ng NPA na nakilalang sina Ben Sandig, Raul Mantino at isang alias Benzon, ang sugatan sa naganap na palitan ng putok, ayon sa mga barangay officials at mga residenteng nakaka­kilala sa kanila.

Sinabi naman ng mga opisyal ng Kiamba municipal government, pinamumunuan ng isang “Rafa” ng Regional Headquarters ng Far South Mindanao Region ng NPA, ang rebeldeng grupo na nakasagupa ng mga sundalo sa Brgy. Gasi. Akay-akay diumano ng mga patakas na rebelde ang tatlong kasamahan na nasugatan sa engkuwentro.

Kilala ang grupong na­kabakbakan ng mga tropa ng 38th IB sa pangingikil ng pera at pagkain sa mga residente ng Kiamba at iba pang mga bayan sa Sarangani.

Ayon kay Rillera, nasamsam ng mga sundalo ang dalawang M16 rifle, isang M14 rifle at iba pang mga kagamitan na naiwan ng mga tumakas na NPA sa pinangyarihan ng labanan.

vuukle comment

GUN

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with