^

Probinsiya

2 barko nagbanggaan sa Negros port

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sasak­yang-pandagat ang nagbanggaan sa may Port of Amlan sa Negros Oriental habang nag mamaniobra ang isa sa mga ito kahapon ng umaga.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at matapos na makaabot sa kanilang impormasyon ang banggaan ng LCT Bato Twin I at MT Petro Helen.

Sa isinagawang imbestigasyon, na pag-alaman na nagmamaniobra ang LCT Bato Twin I na may kargang mga cargo nang mabangga nito ang nakaangkla na MT Petro Helen. Nakaapekto umano sa pagmamaniobra ng LCT Bato Twin I ang malakas na hangin at alon ng dagat.  

Napinsala sa insidente ang “port side railings” ng LCT Bato Twin, habang nagasgasan lamang ang  “bow” ng MT Petro Helen.  

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang aksidente at hindi rin ito nagdulot ng oil spill.

vuukle comment

LCT

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with