^

Probinsiya

Mag-asawang drug trafficker arestado sa P1.5 milyong drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga operatiba ng pulisya ang isang mag-asawa na pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker sa inilatag na buy-bust operation sa Subic, Zambales nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasakoteng mga suspect na sina Joemmier John Leapart, 35-anyos, umano’y hinihinalang miyembro ng “Naldi Drug Group” at isang high value target (HVT) sa illegal na droga sa Central Luzon; at kanyang misis na si Angelica, 34-anyos .

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, dakong alas-3:05 ng madaling araw nang masakote ang mag-asawa sa buy-bust ope­ration sa Brgy. Cala­pacuan ng bayang ito.

Bago ito, isinailalim sa surveillance operation ng mga awtoridad ang mag-asawa matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot nila sa illegal na aktibidades.

Isang undercover agent ng pulisya ang nagsilbing poseur buyer ng shabu at nang kumagat sa pain ang mag-asawa ay agad silang inaresto sa aktong iniaabot ang shabu sa operatiba.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspect ang 14 transparent sachet na naglalaman ng 227.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,544,960 at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with