^

Probinsiya

Lalaki na lumaya sa droga, balik-selda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagbalik sa kulungan ang isang kalalaya pa lamang na lalaki sa kaso ng droga nang ito ay mahuli sa isang drug bust operation nitong Martes ng gabi sa Cebu City.

Kinilala ni Col. Ireneo Dalogdog, Cebu City Police Office director, ang nadakip na suspek na si Johndel Abanid Dutallas, 22, ng A. Lopez Street sa Sitio Mahayahay, Barangay Calamba, Cebu City.

Nakabili ang operatiba ng Cebu City Police Station-6, ng shabu sa suspek at ng kapkapan nakuhanan ito ng 43 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money at iba mga drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, dati ng nakulong ang suspek sa kaparehong kaso noong 2018 at nakalabas lamang ito sa pamamagitan ng probation.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o ilegal drugs ang suspek.

vuukle comment

CEBU CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with