^

Probinsiya

Lola tinodas sa taga ng sariling apo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lola tinodas sa taga ng sariling apo
Malalalim na taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad ikinasawi ng biktimang si Flora Lucena Ordoño, balo at residente ng naturang lugar.
STAR/File

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 65-anyos na lola habang sugatan ang anak nito matapos na mag-amok ang 23-an­yos na apo sa Purok-7, Sitio Binti, Brgy. Minto, Guinobatan, Albay, kamakalawa ng umaga.

Malalalim na taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad ikinasawi ng biktimang si Flora Lucena Ordoño, balo at residente ng naturang lugar.

Sugatan at patuloy na inoobserbahan ang anak nitong si Nida Ordoño Timkang, 34-an­yos, may-asawa.

Arestado naman sa ginawang hot pursuit ng mga pulis ang suspek na si Gilberto Ordoño Guiriba, 23-anyos.

Sa ulat, alas-7:00 ng umaga sa hindi malamang dahilan ay biglang nagwala ang suspek habang iwinawasiwas ang hawak na itak at palapit na sinisigawan ang kanyang lola.

Bago pa nakatakbo ang matanda ay pinagtataga siya ng apo sa ulo at braso. Mabilis namang lumapit ang tiyaing si Nida para sawayin ang pamangkin pero ito naman ang binalingan at tinaga ng suspek.

Kahit sugatan ay patakbong pumasok ng bahay para makaiwas si Lola Flora pero sinundan siya ng apo at doon muling paulit-ulit na pinagtataga.

Matapos na duguang humandusay ang mga biktima ay tumakas ang suspek. Mabilis na isinugod ng mga kaanak ang sugatang mag-ina sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City pero hindi na umabot nang buhay ang matanda.

Ginalugad ng mga rumespondeng pulis ang barangay para hanapin ang tumakas na suspek na agad namang naaresto.

vuukle comment

LOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with