^

Probinsiya

Ex-kagawad patay sa pamamaril

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

LOBO, Batangas, Philippines — Patay ang isang dating barangay kagawad nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek­, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mabilog ng ba­yang ito.

Kinilala ng pulisya­ ang nasawing si Rogelio­ Lontoc, 61, negosyante ng uling at residente ng Barangay Mabilog na Bundok, ng bayang nabanggit.

Ayon sa report, alas-5:00 ng hapon ay nasa terasa ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang isang lalaki at nagtanong tung­kol sa ibinebenta nitong uling.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang bik­tima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa Lobo District Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Inaalam pa rin ng mga otoridad kung ano ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek na tinutugis na ngayon.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with