^

Probinsiya

Lalaki nalibing nang buhay sa lamay

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi nang malibing nang buhay sa naganap na landslide kahapon ng umaga sa Sitio Boga, Barangay Monamon Sur, Bauko, Mountain Province.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na si Andres Sagayo, 58, ng Sitio Pactil, Barangay Monamon Sur.

Batay sa ulat ng Bauko Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kasalukuyang nasa lamayan ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa nasawing kaanak nang biglang magkaroon ng pagguho ng lupa na tumabon sa biktima.

Mabilis na nagsagawa ng rescue at retrieval operation at nang makuha ang katawan ni Sagayo ay agad itong dinala sa Lutheran Hospital sa Abatan, Buguias, Benguet, subalit idineklarang dead on arrival.

Nagbabala ang mga otoridad sa mga motorista na maging maingat sa mga kalsada dahil sa posibleng mga landslides dahil sa naganap na lindol sa Luzon noong Miyerkules ng umaga.

vuukle comment

LAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with