^

Probinsiya

9-anyos patay sa bakbakan ng Army at NPA

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
9-anyos patay sa bakbakan ng Army at NPA
Batay sa report ng Taysan Police, pasado alas-11:00 ng umaga, nang makasagupa ng mga sundalo ng 59th Infantry Battalion ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebeldeng NPA.
Interaksyon / File

BATANGAS, Philippines — Nasawi ang 9-na taong gulang na batang babae matapos mahagip ng ligaw na bala sa kasagsagan ng bakbakan ng mga sundalo ng Philippine Army  at rebeldeng New People’s Army sa bulubunduking bahagi ng Brgy.  Guinhawa, sa Taysan, Batangas nitong Lunes ng tanghali.

Batay sa report ng Taysan Police, pasado alas-11:00 ng umaga, nang makasagupa ng mga sundalo ng 59th Infantry Battalion ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebeldeng NPA.

Tumagal lamang ng tatlong minuto ang palitan ng putok at umatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng bayan ng Lobo.

Habang tumatakas ang mga rebelde, nakita ng mga sundalo ang biktima na tinamaan ng bala na nanggaling sa hindi malamang direksyon. Nagpapastol lamang ng kambing ang bata nang maipit sa labanan.

Agad isinugod ang paslit sa Batangas Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with