^

Probinsiya

Kagawad utas, 1 pa malubha sa pamamaril sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang barangay kagawad ng hindi nakikilalang salarin habang nasugatan sa ligaw na bala ang isang barangay tanod sa Sitio Tangle, Barangay Masalukot 3, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario De Castro, 59, may-asawa at incumbent barangay kagawad sa nabanggit na lugar.

Nagtamo si De Castro ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Peter Paul Hospital ang barangay tanod na si Danilo Macatangay dahil sa tinamong dalawang tama ng punglo sa magkabilang hita.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng umaga ay nagtatabas ng damo sa gilid ng barangay road ang kagawad nang lapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki na armado ng baril at agad pinaulanan ng punglo.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa magkabilang hita habang naglalakad ang tanod na si Macata­ngay.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na mabilis tumakas matapos na makitang napuruhan nito ang kanyang target.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with