^

Probinsiya

Away ng 2 pamilya sumiklab: 2 todas, 1 sugatan

Pilipino Star Ngayon
Away ng 2 pamilya sumiklab: 2 todas, 1 sugatan
Nang matapos ang magkakasunod na putok ay nakita ng mga residente na kapwa duguang nakabulagta dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima habang sugatan si Norma.
STAR/ File

PRIETO DIAZ, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang dalawa katao habang isa ang sugatan matapos na magpanagpo ang magkaaway na dalawang pa­milya na nagresulta ng madugong pamamaril sa Brgy. Talisayan ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rhey Wellhim Diaz Obejas, binata, at Henry Detecio, habang inoob­serbahan sa pagamutan ang sugatang si Norma Diaz Obejas, 64-anyos; pawang residente ng naturang lugar.

Agad namang na­aresto ng mga rumes­pondeng pulis ang iti­nu­­turong suspek sa pa­ma­maril na si Jaymar Bernisca Betito, 29-an­yos, binata habang tinu­tugis ang nakatakas na kapatid nito na si Jayson, 32, may asawa.

Sa ulat, dahil sa matagal nang personal na alitan ng pamilya Obejas at Betito, dakong alas-2:50 ng madaling araw nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng asawa ni Jayson na si Neneth at ng matandang Norma.

Lumabas naman ng bahay si Rhey Wellhim para awatin ang nanay niyang si Norma pero big­lang namaril ang magka­patid na Betito.

Nang matapos ang magkakasunod na putok ay nakita ng mga residente na kapwa duguang nakabulagta dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima habang sugatan si Norma.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with