^

Probinsiya

2 ‘persons of interest’ sa masaker ng mag-iina sa Romblon, tinukoy

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawang ka­tao kabilang ang isang kaanak ang kinokonsi­dera ngayon ng pulisya na “persons of interest” sa brutal na pamamaslang sa isang ginang at dalawang anak nito sa loob ng kanilang tahanan sa San Jose, Romblon noong Miyerkules.

Ayon kay Col. Rey­nold Rosero, director ng Romblon Police, isa sa mga kaanak ng biktimang ginang na si Wielyn Mendoza at isang obrero na hindi pa binanggit ang mga pangalan ang inimbitahan sa himpilan ng pulisya para sa pagtatanong na binuo ng special investigation team.

Sinabi ni Rosero na tinitingnan na ng mga imbestigador ang mga anggulong “crime of passion, attempted rape, at usapin sa pamilya sa naganap na karumal-dumal na krimen.

“These two men are considered as the suspects, however, we treated them as persons of interest, because we are still in the course of investigation. They are allowed to go home, but, they were advised not leave and to go somewhere, if they are needed for further questioning, they are available anytime,” pahayag ni Rosero.

May indikasyon din aniya na ang biktima ay nagtangkang manlaban sa mga salarin nang siya ay tangkaing gahasain.

“Maaaring nagising­ ang dalawang bata at na­kilala ang suspek kaya’t pinatay na rin sila,” dagdag ni Rosero.

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with