^

Probinsiya

Drug den sa Cavite ni-raid: Lady pusher, 8 kliyente timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang hinihinalang drug den ang nalansag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Phi­lippine National Police matapos na maaresto ang isang big-time lady drug pusher na target ng operasyon at walong kliyente nito ang naaktuhan umanong nagsasagawa ng shabu session, sa isinagawang raid ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Niog 1, Bacoor City.

Ang nasabing notor­yus na lady pusher na kinilala lang sa alyas na Tina, nasa hustong gulang, ay kabilang sa mga high value target (HVT) ng pulisya.

Naaktuhan ng rading team sa loob ng isang maliit ng silid na nagsisilbi nilang drug den ang walong katao na nagsasagawa ng shabu session na sina alyas Jason, Mark, Jay, Ronie, Marcelino,. Al , Leon at Jericho, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Imus at Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:10 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay ng PDEA-Cavite at Bacoor City Police ang isang bahay na ginawa ng drug den ng target suspek sa tagung-tago na lugar at dito inabutan ang 9 katao.

Narekober sa loob ng drug den ang shabu na aabot sa 9 gramo at nagkalat na mga drug paraphernalia.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with