^

Probinsiya

Ina nasawi sa pagligtas sa anak na nalulunod

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatunayang walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak matapos na ibuwis ang buhay para lang ma­iligtas ang anak na na­lulunod sa ilog sa Brgy. Poblacion Sur, Salcedo, Ilocos Sur, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jona Alcantara Munar, 33, may-asawa, residente ng Brgy. Poblacion Norte ng natu­rang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima kasama ang mga anak at pamangkin ay nagpunta sa ilog para maligo.

Habang naliligo ay napansin ni Munar na nawawala ang isa sa kanyang mga anak at nakita na ito ay nalulunod.

Agad sinagip ni Munar ang anak sa pagkakalunod, pero siya ang minalas na malunod.

Nang maiahon ang biktima mula sa ilog ng mga rumespondeng otoridad ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan, gayunman, ay idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

JONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with