^

Probinsiya

Rider lasog sa 10-wheeler truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 30-anyos na rider ma­tapos magulungan ng kasalubong na 10- wheeler dump truck sa kahabaan ng Mahar­lika National Highway sa Purok-7, Brgy. Upper Sipi sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nasawi noon din dahil sa matinding tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang biktimang si Niño Barrun Gigantone, binata at residente ng Brgy. Tula-Tula, Legazpi City.

Sumuko naman ang drayber ng nakasa­ga­sang truck na si Ge­­rardo Claron Nacario, 59, residente ng Brgy.Binitayan, Daraga.

Sa ulat, ala-1:45 ng hapon binabagtas­ ng Honda motorcycle ng biktima ang kaha­baan ng highway pa­tungong­ Sorsogon nang mawalan ng kontrol sa palikong bahagi at sumemplang saka deretsong pumailalim ang rider sa ilalim ng kasalubong na Sino­truck dump truck (NGT-5465) na nagulungan at nakaladkad na na­ging dahilan ng agarang kamatayan.

vuukle comment

DARAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with