3 ‘tulak’ timbog sa drug ops
OLONGAPO CITY, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa bayang ito, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Reynaldo Pacamara, 42 -anyos; Maverick Esguerra, 19-anyos, at Juluis Zaragoza, 40-anyos.
Sa report kay Police Colonel Jeric Villanueva, acting city director, nagsagawa ng buy-bust ang mga tauhan ng Police Station 4 sa mismong compound ng mga suspek sa Juan Luna St, Purok 2, New Cabalan nang nabanggit na lungsod.
Nakuha umano sa pag-iingat ng tatlo ang 12 plastic sachet na hinihinalang shabu na aabot sa 50 gramo at may market value na P340,000.00, at P500 marked money na ginamit sa drug operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 & 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.
- Latest