^

Probinsiya

Mister binoga ng sumpak, lolo arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija , Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang 66-anyos na lolo makaraang barilin ng improvised 12-gauge shotgun o sumpak ang kapitbahay nitong lalaki na namamahinga sa ilalim ng punong mangga sa Brgy. Burnay ng ba­yang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang nadakmang suspek na si Francisco Manahan, 66, may-asawa, magsasaka ng nasabing barangay at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Inoobserbahan naman sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center Hospital sa Cabanatuan City ang biktima na si Serafin Reyes, 52, isang vendor at may asawa ng nasabi ring barangay.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga habang nasa ilalim ng puno ng mangga ang biktima nang biglang barilin ng sumpak ng suspek sa hindi pa batid na kadahilanan. Nang bumulagta sa lupa, nilapitan pa ng suspek ang biktima at pinagpapalo ng sumpak.

Nadakip ng mga rumespodeng pulis ang suspek at narekober ang ginamit nitong improvised shotgun at isang basyo ng bala.

vuukle comment

HERYL BRUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with