^

Probinsiya

Sepulturera nagbigti sa sementeryo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ng kanyang kasamahang caretaker ng sementeryo ang isang sepulturera na sinasabing problemado sa pera matapos na magbigti sa loob ng isa sa mga mosuleo ng Legazpi Catholic Cemetery sa lungsod na ito kamakalawa.

Gamit ang plastic straw na itinali sa leeg, nadiskubre ang nakabigting katawan sa loob ng mosuleo ng biktimang si Josefina Vista Alfuente, 50-anyos, residente ng Purok-3, Brgy. Bonot, Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-6:10 ng umaga nang pumasok sa sementeryo ang katiwalang si Jayson Balderama pero nagulat siya nang makitang nakabitin at patay na ang biktima.

Ayon sa mga anak ng biktima, nagpaalam ang kanilang ina na bibili lang ng cellphone pero hindi na nakauwi. Isa sa kanila ang sinabihan ng ina na siya ay magpapakamatay dahil sa problema sa pera pero hindi nila ito pinansin.

vuukle comment

LEGAZPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with