^

Probinsiya

Pulis na ex-bodyguard ng mayor, itinumba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pulis na ex-bodyguard ng mayor, itinumba
Kinilala ang biktima na si Patrolman Roy Aguas, nakatalaga sa Regional Personnel Holding Administration Unit ng Northern Mindanao Police at nagtamo ng limang tama ng bala sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pulis na dating bodyguard ng isang alkalde matapos tambangan at pagbabarilin ng hinihinalang berdugo sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Roy Aguas, nakatalaga sa Regional Personnel Holding Administration Unit ng Northern Mindanao Police at nagtamo ng limang tama ng bala sa ulo.

Si Aguas ay nagsilbing escort ni David Navarro, ang pinaslang na alkalde ng Clarin, Misamis Occidental.

Sa ulat, kasasakay lang ni Aguas sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek malapit sa isang vulcanizing shop sa Brgy. Lapasan alas-4:00 ng hapon. Kagagaling lang ng biktima sa duty sa Camp Alagar ng Northern Mindanao Police ang napatay na pulis.

Matapos na mapatay ang pulis, tinangay pa ng mga salarin ang baril ni Aguas.

vuukle comment

BODYGUARD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with