^

Probinsiya

‘Tulak’ bulagta sa Quezon buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� bulagta sa Quezon buy-bust
Kinilala ang napaslang na si Wilson Tan na sinasabing kabilang sa talaan ng mga bagong drug personality sa lungsod.
STAR/ File

LUCENA CITY , Philippines — Patay ang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Kanluran, Brgy. Talao-talao, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si Wilson Tan na sinasabing kabilang sa talaan ng mga bagong drug personality sa lungsod.

Ayon sa ulat, alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Provincial at City Drug Enforcement Unit laban sa suspek. Gayunman, nakahalata umano ang suspek na mga pulis ang kanyang katransaksyon nang mabilihan siya ng isang maliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Mabilis na kinuha umano ng suspek sa kanyang sling bag ang kalibre 45 at pinaputukan ang mga awtoridad sanhi ng engkuwentro at kanyang ikinasawi.

Nakatakas naman sakay ng isang motorsiklong kulay itim ang isa kasama ng suspek.

Nakuha ng SOCO sa encounter site ang kalibre 45 na may kasamang anim na bala, sling bag, isang P1,000, 9 na P1,000 boodle money at 5-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

vuukle comment

BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with