^

Probinsiya

Mag-ama pinagsasaksak sa sugalan, 1 todas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

P50 na taya pinagtalunan

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Isang 48-anyos na mister ang patay habang malubha ang anak nito matapos silang pagsasaksakin ng kanilang nakaalitan sa sugal na “dice” sa gitna ng pinaiiral na health protocol ngayong panahon ng pandemya sa Ilagan City, Isabela noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, namatay habang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Cauayan City si Manuel Manaligod habang inoobserbahan ang anak na si Maxwell, 20-anyos na kapwa bi­nurdahan ng saksak ng kapitbahay nilang si Ruben Eugenio.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nagtalo ang matandang Mana­ligod at si Eugenio dahil sa tayang P50 na nauwi sa suntukan. Nagtangka namang umawat ang nakababatang Manaligod pero siya naman ang pinagbalingan pagsasaksakin ni Eugenio na diumano’y lango sa alak.

Agad namang nadakma ng mga nagrespondeng pulis si Eugenio na sinampahan na ng kasong kriminal.

vuukle comment

DICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with