^

Probinsiya

Rider dedo, angkas sugatan sa pamamaril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi habang nasugatan ang kanyang angkas makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang ang mga biktima ay nagpapa-vulcanize sa gilid ng Maharlika Highway, Barangay Malabanban Norte ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal.9mm sa iba’t ibang parte ng katawan si Norman Sarmiento, 35, may asawa ng Barangay Sta. Catalina na agad niyang ikinamatay samantalang ginagamot sa Candelaria District Hospital dahil sa tama ng bala sa hita si Christian Belila, 34, ng  Sariaya, Quezon.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:20 ng hapon ay ipinarada ng mga biktima ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa harapan ng isang vulcanizing shop upang ipa-vulcanize ang nabutas na gulong. 

Habang nakaupo ang dalawa sa labas ng vulcanizing shop ay lumapit sa kanila ang hindi nakikilalang lalaki saka nagpaulan ng bala.

Matapos ang pamamaril sa dalawang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa krimen.

vuukle comment

NORMAN SARMIENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with