^

Probinsiya

Tricycle bumaligtad, 4 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malubhang na- sugatan ang apat na magkakaanak matapos dumausdos at bumaligtad sa highway ang sinasakyang traysikel na minamaneho ng isang 60-anyos na lolo sa Sitio Bucnit, Brgy. Namitpit, Quirino, Ilocos Sur kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga isinugod sa ospital na sina lolo Alejandro Vilog at mga pasaherong sina Willy Degay 55, Marcelo Petines 55, Angel Petines,11 at Mylyn Petines,10, pawang mga residente rin sa nabanggit na lugar.

Sinasabing hindi naka­yanan ng pulso ng matanda ang handle bar ng motorsiklo na nagsanhi upang gumewang at dumausdos ang sasakyan hanggang sa bumaligtad sa gilid ng kalsada dakong alas-10:00 ng umaga.

Dahil sa pagbaligtad ay tumilapon at nagpagulong gulong sa kalsada ang mga biktima na masuwerteng hindi nadaanan ng mga tumatakbong trak.

vuukle comment

ALEJANDRO VILOG

WILLY DEGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with