^

Probinsiya

Kelot na pinagtripan rumesbak: 1 todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Bulagta ang 22-anyos na magsasaka habang sugatan ang kanyang umaawat lang na kaibigan matapos silang pagbabarilin ng nag-iisang suspek habang naglalakad sa Sitio Ki-Buchi, Brgy. Cueva, San Pascual, Masbate kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa dalawang tama ng punglo sa katawan ang biktimang si Rex Navarro Ursal habang nagpapagaling ng kanyang sugat ang kaibi-gang si Robert Alvarado Salvador, 34-anyos, pawang nakatira sa naturang barangay.

Tinutugis naman ang tumakas na suspek na si Joseph Cuervo. Sa ulat, habang naglalakad si Cuer­vo nang mapagtripang batuhin ng sapatos ng biktimang si Ursal na ikinagalit ng una. Dahil dito, agad binalikan ni Cuervo si Ursal saka sinuntok. Nasundan ng suntukan ang dalawa kung kaya nagtangkang umawat si Salvador pero big­lang bumunot ng baril si Cuervo at binaril ang una saka isinunod na pinagbabaril hanggang sa bumulagta si Ursal.

Namatay noon din si Ursal at tumakas ang nasabing suspek. Isinugod naman ng mga saksi sa San Pascual Rural Health Unit si Salvador.

vuukle comment

BRGY. CUEVA

JOSEPH CUERVO

SAN PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with