^

Probinsiya

100K menor-de-edad sinasanay ng NPA

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
100K menor-de-edad sinasanay ng NPA
Iniharap sa mga mamamahayag sa isinagawang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Hiyas Convention Center sa Malolos ang sumukong rebeldeng komunista na si Monica Santos alias Supremo/Lj/Lovely, ng Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan.
FILE

MALOLOS CITY , Philippines —Nasa mahigit 100,000 menor-de-edad umano ang kasapi ng New People’s Army (NPA) na dumadaan ngayon sa matinding pagsasanay kabilang na ang paghawak at magpapaputok ng baril.

Ito ang ibinunyag ng isang 18-anyos na babaeng kasapi ng NPA Bulacan/Narciso Antaso Aramil Command makaraang lumutang at kusang loob na sumuko sa Bulacan Police at 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Iniharap sa mga mamamahayag sa isinagawang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Hiyas Convention Center sa Malolos ang sumukong rebeldeng komunista na si Monica Santos alias Supremo/Lj/Lovely, ng Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, ka­sama ni Santos ang kanyang isang buwang gulang na anak nang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Santos, hindi na umano siya masaya sa ginagawang pagtrato sa kanya at sampu ng kanyang mga kasama sa organisasyon. Halos hindi na umano sila pinapakain at puro pagpapahirap sa kanila ang ginagawa ng mga lider sa organisasyon.

Aniya, 13-taong gulang pa lamang siya nang hikayating umanib sa kilusan sa pa-ngakong siya ay pag-aaralin at bibigyan ng sariling bahay na matutuluyan ng kanyang pamilya. Marami pa aniyang susunod sa kanyang ginawang pagsuko dahil sa hindi na umano nila kayang sikmurain ang aral na itinuturo ng organisasyon na puro rebelyon lamang.

Kasama sa nasabing regional meeting sina Bulacan Gov. Daniel Fernando; Pam­panga Gov. Dennis Pineda; Zambales Gov. Hermogenes Ebdane at Usec. Carlito Galvez, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

vuukle comment

MENOR DE EDAD

NPA

RTF-ELCAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with