^

Probinsiya

Binata pisak sa bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 40-anyos na binata matapos mapisak ang kalahati ng kanyang katawan makaraang mabangga at masagasaan ng rumaragasang bus sa kahabaan ng diversion highway sa Zone-7, Brgy. San Antonio Poblacion sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng Martes.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Joey Labuna Latoza, tubong Ilo-Ilo at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay. Sumuko naman ang driver ng bus na si Ariel Abion Watiwat, 39 , ng Purok-7, Brgy. Bigaa, Legazpi City, Albay matapos ang aksidente.

Sa ulat, dakong alas-7:40 ng gabi naglalakad ang biktima sa kalsada nang mabangga ng bus ng Pamar Bus Lines (EVN-757) na nagmula sa Sorsogon at patungo sanang Pasay City.

Matapos na masalpok, nagulungan pa ang katawan ng biktima na ikinadurog ng kanyang tiyan pababa.

Dahil naman sa takot ng driver, pinasibat nito ang bus saka siya sumuko sa Nabua Police Station.

vuukle comment

BINATA

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with