^

Probinsiya

Nigerian pumalag sa search warrant, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang Nigerian na lider umano ng isang international online scam syndicate at Budol-Budol gang habang naaresto naman ang dalawa nitong Pinoy na tauhan sa isi­nagawang operasyon ng mga pulis sa Brgy. Habay, Bacoor, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na suspek ay si Harrison Ohorayke, nasa hustong gulang, residente ng naturang lugar.

Arestado naman ang dalawang Filipino na tauhan ni Ohorayke na sina Edward Godeloson at isang itinago sa pangalang “Laura”

Sa ulat, isang search warrant operation ang ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Cavite Police sa bahay na tinutuluyan ni Ohorayke.

Pagdating ng mga otoridad sa bahay ng suspek ay dito inabutan na nasa ibaba ang dalawang tauhan at nang akyatin ang ikalawang palapag ay sinalubong naman ng sunud-sunod na putok ang mga pulis na agad namang nakaganti na nagresulta sa pagkamatay ni Ohorayke.

Ayon sa pulisya, ang na­patay na suspek ay lider ng isang international online scam syndicate at nangha-hack ng mga ATM. Responsible rin ito Budol-Budol schemes hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin.

vuukle comment

SEARCH WARRANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with