^

Probinsiya

300 baboy, inilibing nang buhay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
300 baboy, inilibing nang buhay
Hindi rin nagustuhan ng mga residente ang paglili­bing sa mga baboy na malapit lamang sa kani-kanilang tahanan dahil sa pangambang mangamoy ang mga ito na posibleng maghatid ng sakit sa kanila.
File

RIZAL - Pumalag ang mga residente ng Antipolo City dahil sa pagkum­piska at paglibing nang buhay sa kanilang mga alagang baboy kahapon ng umaga.

Hindi rin nagustuhan ng mga residente ang paglili­bing sa mga baboy na malapit lamang sa kani-kanilang tahanan dahil sa pangambang mangamoy ang mga ito na posibleng maghatid ng sakit sa kanila.

Sinasabing nasa 300 baboy ang kinumpiska ng veterinary office ng Antipolo mula sa Barangay Cupang.

Ayon sa Veterinary Office, ginawa nila ang hakbang matapos mamatay ang isang baboy na nagpakita ng sintomas ng hindi pa batid na sakit na nagsimula sa tatlong barangay na katabing bayan ng Rodriguez.

Sinabi ng mga residente, mali ang paraan ng pagpatay sa mga baboy na ang mga biik ay isinako, inili­bing nang buhay at inipit ng backhoe nang buhay.

Hindi rin anila sapat ang P3,000 pangakong ayuda dahil nasa P15,000-P18,000 ang halaga ng mga inahing baboy.

Maging ang grupo ng animal welfare ay nagsabing hindi tama ang prose­so ng pagpatay sa mga baboy.

vuukle comment

PORK MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with