^

Probinsiya

Tulak tigok sa barilan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga at kabilang sa nasa drug watchlist makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) kahapon sa Purok Bagong Buhay, Barangay Ibabang Talim.

Sa ulat ni PLTC. Reydante Ariza, chief of police dito, kinilala ang napaslang na si Angelito Taburdan, alyas Angge, 41, may live-in partner at residente ng naulit na lugar.

Ala-1:20 ng hapon nang isagawa ang buy bust ­operation at nang maiabot na sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay bumunot ito ng kalibre 38 saka nagpaputok habang tumatakbo sa ilalim ng mga puno ng mahogany.

Napuruhan ang suspek ng gantihan ng mga awtoridad at doon na bumulagtang patay na nakuhaan pa ng ilang plastic sachet ng droga at ang baril na ginamit nito sa pamamaril.

vuukle comment

CITY DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with