^

Probinsiya

14-anyos pinatay itinapon sa septic tank ng iskul

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
14-anyos pinatay itinapon sa septic tank ng iskul

MANILA, Philippines — Dahil sa nakasusulasok na amoy na umalingasaw mula sa poso-negro ng isang elementary school, isang bangkay ng 14-anyos na dalagita ang natagpuan na pinaniniwalaang brutal na pinatay at dito itinapon ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Brgy. Cogon, Danao City, Cebu, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang matagal nang pinaghahanap ng kanyang mga kaanak matapos na bigong makauwi noon pang Abril 6 na si Tessa Marie Ygay, residente ng Sitio Kama­lig Bato, Brgy. Tabok, Da­nao City. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa septic tank ng Cogon Cruz Elementary School sa lugar dakong alas-11:30 ng umaga.

Sa ulat ng Danao City Police, ang biktima ay iniulat na nawawala noong Abril 6 matapos itong bigong makauwi sa kanilang taha­nan. Ang mga magulang ng dalagita ay labis na nag-alala matapos mabatid na hindi ito nagtungo sa kaniyang mga kaibigan at maging sa mga kamag-anak.

Nakatanggap ang pulis­ya ng ulat hinggil sa masangsang na amoy na nagmumula sa septic tank ng eskuwelahan kung kaya’t pinabuksan ng pangasiwaan ng eskuwelahan ang nasabing septic tank at la­king gulat ng mga obrerong bumungkal dito nang makita ang bangkay ng biktima.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang nasa likod ng krimen.

vuukle comment

CRIME

SEPTIC TANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with