^

Probinsiya

‘Pusher’ tumba sa barilan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY  , Philippines  —   Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga na umanoy kabilang sa drug watchlist makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) habang isinasagawa ang anti-drug operation sa Purok San Francisco, Brgy. Ibabang Dupay, kahapon ng tanghali.

Sa ulat ni P/Ltc. Reydante Ariza, chief of police dito, kinilala ang napaslang na si Joseph Afable, 55, ng nasabing barangay. 

Dakong alas-10:32 ng tanghali nang magsagawa ng buy-bust ang mga awtoridad laban sa suspek su­balit nakahalata ito na pulis ang katransaksyon kung kaya’t tumakbo at bumunot ng kalibre .45 saka nagpaputok. 

Napuruhan ang suspek ng gantihan ng mga pulis at sa pagsisiyasat ay nakuhaan ito ng dalawang plastic sachet ng shabu, P500 marked money at ang baril na ginamit nito.

Mariing itinanggi ng mga kaanak ng napaslang na nagtutulak ito ng iligal na droga at matagal na umano itong tumigil sa paggamit at wala din itong baril.

vuukle comment

DRUG WATCHLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with