^

Probinsiya

SUV bumaliktad: 4 pulis sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Apat na bagitong pulis na pauwi sa probinsiya upang magdaos ng bagong taon ang nasugatan matapos tumaob ang sinasakyang SUV sa kinukumpuning highway sa Brgy. Del Pilar, Alicia Isabela kamakalawa ng umaga.?

Ayon kay Chief Insp. Rey Tad-o,  hepe ng Alicia Police, pauwi sa kani-kanilang probinsya sa Isabela at Cagayan mula sa kanilang assignment sa Aviation Security Police sa Metro Manila sina Police Officers 1 Floyd Mamauag, 30,  Brian Mendoza, 24, Robin Catulin,  24, at Romel Cabansag,  24, nang maganap ang insidente.

Dakong alas-6:00 ng umaga, nawalan ng kontrol si Mamauag sa manibela nang umiwas siya sa kasalubong na sasakyan habang umo-overtake sa baku-bakong kalsada sanhi upang bumaliktad. ?

Isinugod ang mga pulis sa ospital na nagtamo ng mga sugat at bukol sa aksidente.

vuukle comment

CAGAYAN ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with