^

Probinsiya

Misis ni-rape slay, bangkay sinunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis ni-rape slay, bangkay sinunog
Ang biktima na nagtamo ng matinding pagkasunog sa katawan ay nakilalang si Ka­ren Brojan, 27-anyos, may asawa at may isang anak, at residente ng Zone 4, Brgy. Sibaguan ng ba­yang ito.

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang si­na­pit ng isang barangay health worker na ginang makaraang halayin, patayin at sunugin pa ang bangkay nito ng hindi pa nakilalang salarin sa Sagnay, Camarines Sur kamakalawa.

Ang biktima na nagtamo ng matinding pagkasunog sa katawan ay nakilalang si Ka­ren Brojan, 27-anyos, may asawa at may isang anak, at residente ng Zone 4, Brgy. Sibaguan ng ba­yang ito. 

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-5:45 ng hapon nang madiskubre ang sunog na katawan ng ginang sa madamong bahagi ng Zone 4, Brgy. Sibaguan, sa nasabing bayan.

Nauna rito, dakong ala-1:00 ng tanghali ng nasabi ring araw nang magtungo sa ilog ang ginang para maglaba pero magtatakipsilim na ay hindi pa siya nakakabalik sa kanilang bahay kung kaya labis nang nag-alala ang kanyang pamilya. Dito agad nilang hinanap ang ginang sa may ilog hanggang sa madiskubre ang sunog na bangkay nito sa damuhan na tinabunan pa ng sinunog na mga damo.

May teorya ang mga awtoridad na matapos gahasain ay pinatay ang ginang saka sinunog ang katawan upang itago ang krimen.

vuukle comment

WIFE RAPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with