^

Probinsiya

1 todas, 7 timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 todas, 7 timbog sa drug ops

BULACAN, Philippines  —  Semen­teryo ang kinahantungan ng lalaking sinasabing notoryus na tulak ng shabu matapos umanong manlaban sa mga operatiba habang pitong iba pa ang naaresto sa isinagawang sunud-sunod na drug bust operation sa iba’t ibang bayan dito, Martes ng gabi.

Tinukoy lamang ng mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr., ng San Jose Del Monte City Police ang suspek sa alyas “Noel”, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa Brgy. Gaya-Gaya sa naturang bayan.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang magtungo ang poseur buyer na pulis kasama ang mga kagawad ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa inuupahang bahay ng suspek sa Towerville Subd., Brgy. Gaya upang bumili ng shabu. Nang magkaabutan ng droga at kabayaran, sinubukang arestuhin ang suspek subalit pumalag umano at mabilis na pumasok sa bahay upang kumuha ng armas. Gayunman, naunahan na siyang mapuruhan ng mga pulis.

Narekober ng rumes­pondeng mga kagawad ng SOCO ang isang .38 revolber, mga basyo ng bala, apat na pakete ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at P500 marked money.

Samantala, pito pang katao mula sa Ca­lumpit, Meycauayan City at Nor­zagaray ang naaresto ng pulisya dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga at nakumpiskahan sila ng 13 sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with